← Back Published on

Mga Pick Up Lines para sa Panahon ng Pandemya

  1. Pandemic ka ba? Kasi pwede tayong magtagal.

Ang pick up line na ito ay tungkol sa posibleng pagtanggal ng epidemya kagaya ng pagtanggal ng isang relasyon.

  1. Harry Roque ka ba? Kasi kaya kitang ipaglaban kahit mali ka na.

Sa kabila ng mga sinabi at ginawa niya na lumalabag sa moral ng mga pilipino, marami pa rin ang sumusuporta sa kanya. Ang pick up line na ito ay isinulat sa pormang pabiro ngunit ito ay may kaugnayan sa panahon ngayon.

  1. Isang-ply? Dalawang-ply? Ayoko nyan, gusto ko lang ang iyong reply.

Ngayong pandemya, tayo ay ineengganyo na magsuot ng mask. Ang sitwasyon na ito ay ginagamit upang sabihin na mas gusto niya ang piling ng isang tao kaysa sa pagbuo nito.

  1. Para kang DOH, magnanakaw ka kasi ng puso.

Ito naman ay hindi direktang pagsabi na may ninakaw ang DOH sa pera na dapat ay para sa pandemya. Ginamitan ito ng hugot upang gumana ang kahalagahan nito.

  1. Alam mo para kang online class, ang sakit mo sa ulo pero kailangan kita.

Dahil sa pandemya, lahat ng mga estudyante ay lumipat sa panibagong paraan ng pag aaral. Ito ay bago lamang kaya marami ang naninibago at naguluhan. Sa pickup line na ito, ginamit ang mga sakit ng ulo ng mga estudyante upang mailarawan ang pagtitiis ng isang tao sa kanyang iniibig.